MAGUINDANAO – Upang tugunan ang kakulangan sa pagkain at malnutrisyon, pinalalakas ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform- Maguindanao ang convergence program sa isang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng kaalaman kaugnay sa Diversified Farming System (DFS) o ibat- ibang pamamaraan ng pagsasaka.
Ang aktibidad ay ginanap sa probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, sa pamamagitan ng MAFAR- Maguindanao, abot sa 180 ang kalahok mula sa anim (6) na munisipalidad ang napabilang sa programa. Sa MDN ay dalawang municipality ang napabilang ang Sultan Mastura at Matanog, habang apat na munisipyo ang kasama sa MDS, ang Guindulungan, Shariff Saydona Mustapha Datu Saudi Ampatuan, at General Salipada K. Pendatun.
Si Samraida Undong, Supervising Agriculturist/ Convergence Program Focal, ang nanguna sa aktibidad na nagbahagi ng overview ng programa sa mga lumahok upang kanilang pahalagahan ang layunin ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mga magsasaka sa probinsya.
Sa pahayag ni Undong, kanyang sinabi na ang DFS ay isang hanay ng mga pamamaraan ng pagtatanim sa isang lupa kung saan maaari silang magkaroon ng maraming produksyon sa vegetables, poultry, livestock, at fishpond.
“Pangunahing layunin ng convergence program ng MAFAR- BARMM ay upang palawigin ang kaalaman ng mga magsasaka at mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan para matulungan ang mamamayan sa kanilang pangkabuhayan,β wika ni Undong.
Dagdag pa niya, ang tanggapan ng MAFAR ay patuloy na susuportahan ang food security, kung matatapos man ang programa ng World Food Program ay mabibigyan pa rin ng pagkakakitaan ang mamamayang Bangsamoro, masolusyonan ang kakulangan sa pagkain at maiibasan ang malnutrisyon kapag ang pangangailangan nila ay ma-sustain dahil kaya na nilang maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng produskyon kung kanilang isabuhay ang natutunan mula sa MAFAR.
Sakop ang mahahalagang paksa tungkol sa pamamaraan o produskyon ng halaman, paggawa ng organikong abono, tamang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, itik, pato at iba pa, produksyon ng tilapia, at tamang pamamahala ng fish pond na tinalakay ng mga dalubhasang tagapagsalita.
Mula sa MAFAR- Maguindanao ang mga eksperto ang nagpalaganap ng kaalaman sa mga kalahok na sina Saban Belongan, Livestock Section Chief, Norhid Wahab, Halal Section Chief, Muhaimin Ali, Senior Agriculturist, Abulislam Belongan, ROS Upi Superintendent, Fahad Jainal at Akmad Amba, Program Assistant for Agriculture, at mula naman sa Fisheries Division na sina Morsid Mamalangkap at Aivey Palomo ng parehong Aquacultirist II.
Tinitiyak ng MAFAR- BARMM na ipagpapatuloy pa ang convergence program upang pagbutihin ang pamumuhay ng bawat Bangsamoro lalong- lalo na ang mga kababaihan na may malaking ambag sa lipunan, saad ni Saudi Mangindra, Assistant Provincial Director for Maguindanao del Sur.
Bilang dagdag tulong, ang mga benepisyaryo ng convergence program mula sa 6 na munisipalidad na natukoy ay tumanggap ng agriculture inputs tulad ng assorted vegetables at 15 sets ng kagamitang panghardin (sprinkles, shovel, at rake).
Sa layunin na mapataas ang seguridad sa pagakain at mapalawak ang produktibidad sa agrikultura sa lalawigan, magtatatag naman ng Demo Farm ang MAFAR partikular sa GSKP Municipality, ito ay ang organic vegetable production, poultry production, at tilapia production habang sa Matanog Municipality ay livestock production, calamansi production at organic vegetable production.
Ang sunod- sunod na kaganapan ay matagumpay sa pag-organisa ng MAFAR Municipal Office sa 6 munisipalidad sa pangunguna ng MAFAR Municipal Officers na sina Adam Evaristo sa Sultan Mastura, Rabani Ampa sa Matanog, Sham Abas, sa Guindulungan, Adan Esmael, sa Shariff Saydona Mustapha, Shuiab Salwang naman sa Datu Saudi Ampatuan at Salilaguia Alang, sa GSKP na taos- pusong sinuportahan ng Local Government Unit.
Ang convergence program sa pangunguna ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pakikipagtulungan sa World Food Program (WFP) at Community and Family Services International (CFSI) sa pamamagitan ng Food for Asset Program (FFAP).
π©ππ¦ππ§: https://tinyurl.com/nhj7yn86