SPECIAL GEOGRAPHIC AREA – Sa patuloy na pamamahag ng tulong pinansyal para sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot, umabot na sa mahigit 5,000 magsasaka mula sa Special Geogrphic Area ang nakatanggap ng tig-P5,000 na cash assistance mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR).
Ang programa ay sa pagsisikap ng MAFAR sa pamumuno ni Minister Mohammad S. Yacob, Ph.D., na naglalayong iangat ang pamumuhay ng mga magsasaka sa kabila ng kalamidad na hindi inaasahan.
Pinangunahan ni Assistant to the Provincial Director for SGA Disumimba Rasheed ang pamamahagi kasama ang kanyang mga kawani at iba pang staff mula sa Maguindanao Provincial Office.
Binubuo ng limang munisipalidad ang tumanggap ng cash assistance mula sa MAFAR, kabilang ang Pahamudin, Ligawasan, Kapalawan at Kaabacan Municipality.
Samantala, nangako ang MAFAR-SGA na bago magtapos ang taong 2024 ay mabibigyan ang natitirang municipality sa SGA, inaasahan nitong buwan ng Desyembre ang schedule ng iba pang Municipality.