𝗠𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢 𝗗𝗘𝗟 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘— Ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform -Maguindanao ay nakiisa sa serye ng mga aktibidad ng National Rice Awareness Month (NRAM) na nagtataguyod ng responsableng pagkonsumo ng bigas sa ilalim ng Be RICEponsible Campaign.
Ang mga aktibidad ng NRAM sa rehiyong Bangsamoro ay nagsimula noong Nobyembre 25, at nagtapos kahapon, Nobyembre 29, 2024 sa BARMM Integrated Agriculture and Fisheries Research Center (BARMMIAFRC), Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Tampok sa program ang Quiz Bee, Cooking Contest Challenge, Poster Making Contest, Distribution of Hybrid Palay Seeds at Foliar Fertilizers, ang mga kaganapan ay idinisenyo upang i-highlight ang “A-Ba-Ka-Da” na mensahe ng NRAM: adlay, mais, saba, at iba pa ay ihalo sa kanin, Brown rice ay kainin, ang bigas ay huwag sayangin, at ang bigas ng Pilipinas ang dapat nating bilhin.
Pinuri ni MAFAR- BARMM Minister Mohammad Yacob ang mga magsasaka ng palay sa kanilang pagpupursigi sa patuloy na pagtatanim ng palay. Hinikayat niya ang publiko na suportahan ang lokal na ginagawang bigas at isaalang-alang ang mas malusog na alternatibo tulad ng brown rice. Hinamon din niya ang lumahok sa aktibidad na magsumikap upang higit na makilala ang produkto ng Bangsamoro.
Tampok sa aktibidad ng MAFAR – Maguindanao sa selebrasyon sa taong ito ang pamamahagi hybrid palay seeds at foliar fertilizers sa 100 rice farmers mula sa Sultan Mastura at sa panghuling araw nagkaroon ng cooking contest na nilahukan ng mga kooperatiba at asosasyon mula sa Sultan Mastura, at nagkaroon ng pamamahagi ng GPS garmin para sa MMOs sa 36 municipalities ng Maguindano del Norte at Maguindanao del Sur na magagamit sa kanilang pag-geotag sa area.
Sa ‘Lutong Bangsamoro’ Cooking Contest Challenge na pinangasiwaan ng MAFAR- Maguindanao, ang nanalo ay nag-uwi ng Php 5, 000 cash prize, ang Subpangan Womens Marketing Cooperative, ang 2nd place ay Tambo Boliok Association na tumanggap ng Php 3, 000 at ang top 3 ay nakakuha ng Php 2, 000 habang ang Maadar Farmers Marketing Cooperative at Kauyagan sa Tariken Farmers Producers Cooperative ay nabigyan ng Php 1,000 consolation prize. Bukod dito, ang lumahok sa aktibidad ay tumanggap din ng vegetables seeds at garden tools.
Pinalaganap naman ang ‘Information Drive’ sa pamamagitan ng Information and Comunication Technology Section (ICTS) na MAFAR – Maguindanao, ang ICTS ay namigay ng ‘Talyawid’ Quarterly Publications na naglalaman ng programa o aktibidad, mga brochure, pamphlets at iba pa, sa layunin na makapagbigay ng detalyadong impormasyon at kaalaman sa mga mamamayan tungkol sa serbisyo, produkto, ,mga pamamaraan sa pagsasaka at pangingisda, at iba pang konsepto.
Nakibahagi ang MAFAR- Maguindanao sa MAFAR- BARMM sa paggunita ng NRAM, sa inorganisa ng regional office na ‘Quiz Bee’ competition, ang itinanghal bilang champion na may average na 99% ang nagmula sa Paglat Municipality MDS, ay nakatanggap ng Php 10, 000 na sina Hamjhade Mantawel at Clinton Casim, ang top 2 na sina Sittie Pie Kayama at Bernadette Francis na nagmula sa Upi Municipality, MDN na may 93% average, ay nakatanggap ng Php 7,000, ang kinilalang top 3 ang mula sa Pandag Municipality, MDS, sina Jimson Lumapinit na may average na 88%, ay nakatanggap ng Php 5,000 habang top 4 na si Sahabudin Udtog na may average na 86% na mula sa Datu Paglas Municipality ay tumanggap ng Php 3,000.
Ang selebrasyon ng NRAM ngayong taon ay sanib pwersa ang regional office sa pangangasiwa ng MAFAR- Research and Development Extension Services (MAFAR- RDE) sa pangunguna ni Tong Abas, Diretor II at MAFAR – Maguindanao Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Ronjamin Maulana.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Ismael Guiamel, bagong hirang na Bangsamoro Director General for Agriculture Services upang magbigay ng pangwakas na mensahe at pasalamatan ang mga nakilahok sa programa.
Taun-taon ay ipinagdiriwang ang NRAM alinsunod sa ipinag-uutos ng Presidential Proclamation No. 524 series of 2004, ang NRAM na may temang “Be RICEponsibly Healthy,” ay naglalayong isulong ang rice self- sufficiency at itaas ang kamalayan tungkol sa responsableng pagkansumo ng bigas.