๐ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ข ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐โ25 magsasaka ang nagtapos ng Farmers Field School (FFS) sa produksyon ng gulay ngayong Disyembre 3, 2024 sa BARMM Integrated Agriculture Fisheries Research Center (BARMMIAFRC), Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ang programa ay pinangunahan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform- Maguindanao sa pamamagitan ni Saudi Mangindra, Assistant Provincial Director for Maguindanao del Sur at Muhaimin Ali, Rice Focal kasama angย kawani sa MAFAR – Maguindanao at MAFAR Sultan Kudarat.
Binati ni APD Mangindra ang mga nagsipagtapos sa FFS, sa kanyang wika, nais niyangย maging prayoridad ang Barangay Banubo sa proyekto ng MAFAR dahil naniniwala siyang may kapasidad ang mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang kakayahan.
Sa seremonya ng pagtatapos,ย sinabi ni Zacaria Tan mula sa Barangay Banubo, “malaking pagkakataon para sa amin na isa kami sa nakinabang sa programang ito, sa proyektong ito ay mas napalawig ang aming mga natutunan sa mga aktibidad lalo sa pamamaraan at produksyon ng gulay.”
” Taos-puso kaming nagpapasalamat sa MAFAR sa programang at sana patuloy pa kaming suportahan,” dagdag naman ni Fatima Emran, na isa mga mag-aaral ng FFS.
“Ang teknolohiya na natutunan ninyo sa pagsasanay na ito ay kapaki-pakinabangย na dapat niyong pahalagahan,” paliwanag ni Ali.
Binigyan-diin ni Ali sa kanyang mensahe na, “ang totoong tagumpay ay makikita sa pamamagitan ng pagsasagawa ng natutunan na makakatulong sa pangkabuhayan para palakasin ang ekonomiya sa ating rehiyon.”
Ang seremonya ay personal na dinaluhan ni Mohalidin Abas, Barangay Banubo Chairman upang ipaabot ang kanyang labis na pasasalamat sa MAFAR – BARMM.