MAGUINDANAO DEL SUR – Inilunsad ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform – Maguindanao (MAFAR-Maguindanao) ang MASAYA MGA MAMA Agrarian Reform Community sa Barangay Makat, Datu Paglas noong Martes, Disyembre 10, 2024.
Pinangunahan ni MAFAR Maguindanao Provincial Director Ronjamin Maulana, Ph.D., ang aktibidad kasama sina Assistant Provincial Director for Maguindanao del Norte at Chief of Agrarian Reform Program Officer (CARPO), Nur- Amin Caludtiag, CARPO Guiomla Satol, CARPO Pendatun Mambatawan.
Ang anim na barangay sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur, ay binubuo ng Barangay Makat, Barangay Mao, Barangay Puya, Barangay Mangadeg, Barangay Manindolo, at Barangay Salendab ang kabilang sa Agrarian Reform Community (ARC).
Sinabi ni APD Caludtiag, ang ARC ay isang modelong komunidad ng pagkakaisa na nagpapakita ng tagumpay sa ilalim ng Agrarian Reform Program.
“Ito ay binuo upang maging sentro ng pagbabago at pag-unlad sa komunidad,” pagbibigay-diin ni APD Caludtiag.
Ayon kay Director Maulana, ang pagtatag ng ARC sa bayan ng Datu Paglas ay isa sa historic program ng MAFAR, ito ay isang patuloy na aktibidad upang maghatid ng malaking epekto sa buhay ng mga magsasaka.
“Ang aktibidad na ito ay may napakalaking kontribusyon bilang isang hakbang upang isulong ang mga bagong ARC, na magiging responsable para sa pagpapabuti at pagpapanatili ng produktibidad ng lupa at tulungan ang mga magsasaka na palawigin ang kanilang kabuhayan at dagdagan ang kanilang kita,” dagdag ni Dir. Maulana.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, ang ARC Development Strategy ay pinagtibay noong 1993 upang tumuon sa mga priyoridad na lugar ng repormang agraryo upang mapakinabangan ang paglalaan, pagpupuno, at pagpapakilos ng mapagkukunan para sa higit na kahusayan at epekto, na isinasaalang-alang ang limitadong pinansiyal at materyal na mapagkukunan ng pamahalaan.
Ang ARC ay isang barangay o kumpol ng magkakadikit na barangay sa loob ng isang munisipalidad kung saan ang majority ng mga lupang sakop ng CARP ay iginawad sa isang masa ng Agrarian Reform Beneficiaries.
Ang aktibidad ay inorganisa ng MAFAR Datu Paglas sa pangunguna ni MMO Joffel Pompong na dinaluhan ng mga local at barangay officials sa naturang lugar.