MAGUINDANAO DEL SUR – Idinaos ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform – Maguindanao ang Graduation Ceremony on Farmers Field School on Corn Production Management na isinagawa sa Barangay Talibadok, Datu Hoffer, ngayong Nobyembre 26, 2024.
May kabuuang 25 kalahok ng magsasaka ang matagumpay na natapos ang kanilang tatlong buwang pag-aaral simula noong Septyembre hanggang Nobyembre sa taong ito.
Sinabi ng Provincial Corn focal person na si Muhaimin Ali, “Ang seremonya ay bunga ng pagsusumikap at tiyaga ng mga kalahok.”
“Ginagawa ng ministeryo ang lahat ng makakaya upang suportahan ang bawat magsasaka para sa paglago ng kanilang kalagayang pang-ekonomiya at tiyakin na may sapat na suplay ng pagkain sa bawat komunidad ng Bangsamoro,” sabi ni Saudi Mangindra, Assistant Provincial Director for Maguindanao del Sur.
Ang kanilang pag-aaral ay binubuo ng pagbabahagi ng teknikal na kaalaman sa produksyon ng mais at mahusay na pamamahala.
Bukod dito, pagkatapos ng tatlong buwang session, natutunan ng mga kalahok ang management technique sa produksyon ng mais na kinabibilangan ng pagpili ng mga binhing itatanim, paghahanda ng lupa at aktibidad sa pag-aani.
Sa kabilang banda, inaasahan ng MAFAR na ang nagsipagtapos ay magsusumikap at aktibong makikilahok sa bawat sesyon at umaasa na ang teknolohiyang natamo ng mga kalahok na magsasaka mula sa pagsasanay ay magiging kapaki-pakinabang para sa kanilang sakahan.
Bilang bunga ng pagsisikap, kinilala bilang top 1 sa klase sina Faidza Upam at Suraida Sagan, pinarangalan bilang top 2 sila Abdulhak Upam, Arbaya Upam, Haron Dimalen, at Monaiza Mustapha, at top 3 naman sina Jonine Abdula at Akmad Malaguianon.
Ang mga kinilalang nanguna sa klase ay tatanggap ng agriculture inputs mula sa MAFAR, ang top 1 ay makakatanggap ng 3 bags corn seeds, 3 bags complete fertilizers, 3 bags urea fertilizers, ang top 2 ay tatanggap ng tig dalawang bag ng corn seeds, complete fertilizers, urea fertilizers, at ang top 3 ay makakatanggap ng tig-isang bag ng corn seeds, complete fertilizers, at urea fertilizers.
Gayundin, tatanggap ang mga nagtapos ng tig- isang bag ng corn seeds. Ang mga nabanggit na inputs ay ipagkakaloob sa kanila sa susunod na araw. Samantala, sila ay tumanggap na ng kanilang Certificate of Recognition bilang tanda ng kanilang pagtatapos.
Ang seremonya ay pinangasiwaan ng MAFAR Datu Hoffer sa pangunguna ni MAFAR Municipal Officer Al- Basser Anayatin na dinulahan ng mga representatives mula sa Local Government Unit na sila Hon. Datu Pandag Ampatuan, Hon. Haron Kahal, at Hon. Norhuda Upam.